📚 Serye ng Panrehiyong Palihan para sa Proyektong Lakbay-Basa🗺️

Bilang suporta sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na palakasin ang pagpapaunlad ng literasiya at mapabuti ang mga resulta ng pagkatuto, opisyal nang magsisimula ang serye ng mga palihan para sa Proyektong Lakbay-Basa: Paglalakbay Gamit ang Reading Passport!

Para sa ating Unang Yugto (Pagbuo ng mga Kagamitan):

  • Pamagat ng Gawain: Panrehiyong Palihan para sa Pagbuo ng mga Kagamitan sa Proyektong Lakbay-Basa: Paglalakbay Gamit ang Reading Passport
  • Lugar / Venue: DepEd RO VIII, RELC-NEAP (Training Hall 3)
  • Petsa: September 14-16, 2026

Layunin ng Gawain: Makabuo ng mga angkop na kagamitan na magagamit sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa, upang higit na mapalakas ang literasiya ng mga mag-aaral at matiyak ang mataas na kalidad ng kanilang pagkatuto. Inaasahan ang pagtataguyod at pakikiisa ng ating mga kuwalipikadong kalahok mula sa hanay ng mga EPS, PSDS, at mga Punong-Guro na may karanasan bilang Master Teacher, manunulat, at layout artist.

Ang nasabing palihan ay dinaluhan ng ating EPS sa Filipino Gng. Lourdes L. Matan, bilang isang language editor at tagapagsulat ng mga kwento, G. Kristian Aldrin B. Cruda, Principal 1, isang Ilustrador sa paggawa ng mga larawan at G. Jaysson A. Alilita, TIC upang maging tagapagsulat ng kwento.

Let’s work together to empower our learners through reading! ✨📖

Leave a Comment